-- Advertisements --

COTABATO CITY – Kasado na ang mga aktibidad sa weeklong celebration ng 5th Bangsamoro Foundation Day sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ni Asst. Deputy Minister Abdullah ‘Dong’ Cusain na bubuhos ang turn-over sa mga proyektong natapos ng BARMM government.

Magpapakitang gilas din sa sports activities at showcase ng mga serbisyo ang bawat ahensiya ng BARMM.

Ang Bangsamoro Foundation Day ay ngayong January 21 base sa Bangsamoro Administrative Code at ito ay deklaradong holiday sa BARMM.