-- Advertisements --
Naging matagumpay ang isinagawang 5th Metro Manila Shake drill 4 a.m. ng madaling araw.
Sinimulan ito sa pamamagitan pagpindot sa button sa Guadalupe, Makati City ni MMDA chairman Danny Lim bilang hudyat sa pagsisimula ng drill.
Kasama sa nasabing seremonoya sina National Capital Region Police Office chief Major General Guillermo Eleazar at Philippine Institute of Volcanology and Seismology director Renato Solidum.
Kaniya-kanyang nagtayo ng command center ang iba’t-ibang City Disaster Risk Reduction and Management Office matapos ang pagtunog ng alarm.
Isinagawa naman ng Quezon City government ang Shake Drill sa Veterans Memorial Medical Center.