BUTUAN CITY – Walang Filipinong nadamay sa lindol na kumitil ng mahigit isang-libong katao sa Khost City na sakop ng eastern Paktika province sa Afghanistan, base na sa pagkumpima ni Bombo international correspondent Joel Tungal direkta mula sa nasabing bansa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Tungal na ito’y dahil ang mga Pinoy na nasa naturang bansay ay kadalasan nasa malalaking lungsod gaya ng capital Kabul, Mazar at sa kanilang lugar sa Jalalabad.
Sa salaysay ni Tungal, inihayag nitong naramdaman din nila sa Jalalabad ang magnitude 6.1 na lindol dahil kasama ang kanilang lugar na nasa faultline hanggang sa Khost City.
Marami umano ang namamatay dahil naganap ang lindol dakong ala-1:30 ng madaling araw kungsaan tulog na tulog ang karamihan.
Malaking factor din umano ang paggamit ng mga residente ng light materials sa pagpapatayo ng kanilang tirahan dahil gawa ang mga ito sa putik, bricks mga kahoy o kawayan.