-- Advertisements --
Binulabog ng magnitude 6.1 na lindol ang bansang Guatemala.
Ayon kay Emilio Barillas ng Insivumeh seismology institute, tumama ang lindol dakong alas-10:10 ng umaga (local time) at naitala ang epicenter nito sa Pacific Ocean.
May lalim lamang na 10 kms ang pagyanig.
Naramdaman sa ilang komunidad sa south coast ang linsol, maging sa central region sa paligid ng kabisera ng bansa na Guatemala City.
“At the moment, there are no reports of personal or material damage,” wika ni David de Leon, spokesman ng National Coordination for Disaster Reduction (Conred). (Agence France-Presse)