-- Advertisements --
Niyanig ng 6.2 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Extreme Northern Luzon nitong Miyerkules ng tanghali.
Naitala ito kaninang alas-11:35 ng umaga.
Natukoy ang epicenter sa layong 22 km sa hilagang silangan ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.
May lalim itong 10 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Batay sa instrumental intensity ng Phivolcs, nakapag-record sila ng intensity IV sa Pasuquin, Ilocos Norte.