-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Burgos, Surigao del Norte Mayor Emmanuel Arcena na walang naitalang danyos sa kanilang bayan ang pagyanig ng 6.2 magnitude na lindol dakong alas-11:06 kagabi.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng mayor na kaagad nilang inobserbahan ang dalampasigan ng dalawa nilang coastal barangays upang kaagad na ilikas ang mga residente sakaling may senyales sa posibleng magaganap na tsunami.

Ipinaikot na rin niya sa kanyang mga tauhan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang mga gusali at paaralan kungsaan nakumpirmang walang iniwang danyos ang naturang lindol.

Ayon pa sa mayor palaging malalagay bilang reference point ng lindol ang kanilang bayan dahil sa seismographic instrument na inilagay ng Phivolcs.