-- Advertisements --
Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko hinggil sa kalagayan ng mga bulkan sa Mindanao na malapit sa epicenter ng 6.3 magnitude na lindol.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum sa panayam ng Bombo Radyo, sa mga nakalipas na araw ay inobserbahan nila ang ilang active volcano at wala naman silang na-detect na abnormalidad.
Kabilang sa mga sinuri ng mga eksperto ang Mt. Apo na nasa Davao del Sur, Mt. Parker sa T’boli, South Cotabato at Mt. Matutum na nasa Tupi, South Cotabato.
Paliwanag ni Solidum, magkaiba ang pinagmumulan ng enerhiya ng volcanic at tectonic quake na naitatala sa ilang lugar.
Kailangan ding may magma ang isang bulkan bago ito sumabog, bagay na hindi kayang malikha ng mga lindol lamang.