-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang katimugang bahagi ng isla ng Honshu, Japan nitong madaling araw ng Linggo.

Ito ay batay sa ulat mula sa European earthquake monitoring service na EMSC.

Tinatayang nasa 30-milyon umano ang nakatira sa nasabing isla kung saan naramdaman ang lindol.

Wala namang napaulat na pinsala matapos ang pagyanig. (Reuters)