-- Advertisements --
(Update) Binulabog ng magnitude 6.4 na lindol ang lungsod ng Cotabato ngayong Linggo ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 13 kms timog silangan ng Cotabato City bandang alas-1:09 ng madaling-araw.
May lalim ang lindol na 543 kms at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Alabel at Malungon, Sarangani
Intensity 1 – Tupi, General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba, Sarangani
Sinabi pa ng Phivolcs na asahang magdudulot ang lindol ng pinsala at aftershocks.