-- Advertisements --
q 01
photo: Bombo Davao

Muling nakapagtala ng malakas na pagyanig sa ilang lalawigan sa Mindanao nitong alas-9:04 ng umaga lamang.

Magnitude 6.6 ang nai-record ng Phivolcs, kung saan Tulunan, North Cotabato ang epicenter.

Dahil sa pagyanig, asahan ang pinsala sa ilang lugar at patuloy na aftershocks.

q03
photo: Bombo Davao

Sinasabing local fault ang pinagmulan ng lindol at may kaugnayan pa rin ito sa nakaraang pagyanig noong Oktubre 16, 2019, kung saan anim ang naitalang nasawi at halos 100 ang nasaktan.