Isang malakas na lindol na may magnitude na 6.8 ang tumama sa katimugang bahagi ng New Zealand nitong Martes (local time), ayon sa United States Geological Survey (USGS).
Unang naitala ang lindol bilang 7.0 magnitude, bandang 2:43 PM (0143 GMT) sa lalim na 10 kilometro.
Habang ang sentro naman ng lindol ay nasa 160 kilometro mula sa mainland nito, ngunit wala pang napaulat na pinsala o casualties ang dinulot ng lindol.
Ayon naman sa Pacific Tsunami Warning Center sa Honolulu na ‘walang tsunami warning ang naganap matapos ang lindol.
Kasalukuyan minomonitor ng emergency management ng New Zealand kung ang lindol ay nagdulot ng tsunami na maaaring maka-apekto sa bansa.
Ayon sa kanilang national advisory, kung may tsunami man na nabuo, inaasahan itong makarating sa New Zealand sa loob ng isang oras o higit pa.
Nabatid na ang New Zealand ay nasa hangganan ng dalawang malalaking tectonic plates at madalas na tinatamaan ng mga maliliit na lindol taon-taon.
Huling naitala ang pinakamalakas na lindol sa bansa noong 2011 na umabot sa 6.3 magnitude na nagwasak ng malalaking bahagi ng Christchurch at nagresulta sa pagkamatay ng 185 katao.
Sa ngayon, patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon.