JAKARTA – Nag-isyu na ng tsunami warning ang mga otoridad sa Indonesia matapos ang pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa isla ng Sulawesi.
Sa datos mula sa United States Geological Survey (USGS), namataan ang sentro ng lindol sa layong 17-kms sa east coast ng nasabing isla.
Ayon sa geophysics agency ng Indonesia, nag-isyu na sila ng tsunami warning sa mga coastal communities sa Morowali district.
Sa ngayon anila ay wala pang mga ulat ukol sa mga naitalang pinsala o mga casualties.
Una nang nagbabala ang USGS na maaari umanong masira ng lindol ang mga istrukturang hindi maayos ang pagkakagawa.
Matatandaang una nang tinamaan ng malakas na 7.5-magnitude na lindol ang Sulawesi, partikular sa siyudad ng Palu, noong nakaraang taon na kumitil sa buhay ng 4,300 katao. (CNA/Reuters)