Tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa bahagi ng probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado alas 10: 37, Disyembre 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Namataan ang epicenter nito 42 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 8 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:37 ng gabi.
Itinaas ang Intensity V sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR at City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE.
Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Samantala, naglabas naman ng Tsunami warning ang Phivolcs matapos ang malakas na pagyanig ngunit agad itong kinansela.