-- Advertisements --

Patay ang anim na taong gulang na batang lalaki matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Holy Spirit, Quezon City kagabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi na naagapan pang iligtas ng mga kaanak nito ang bata dahil sa bilis na pagkalat ng apoy sa Don Vicente St., corner Don Primitivo St.

Sugatan din ang dalawang kapatid nito na agad na nakalabas sa nasusunog nilang bahay.

Umabot din sa mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang sunog.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog.