-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Makapanindig balahibo ang suportang ipinapakita ng mga Pilipino sa mga atletang sumasabak sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games (SEAGames) 2019.

Ito umano ang nasaksihan ni Mrs. Dionesa Cezar Padios ng Brgy. Old Buswang Kalibo, Aklan sa pag-perform ng kanyang anak na si Mary Francine Padios sa pencak silat event sa Subic Bay Exhibition and Convention Center at nakakuha ng silver medal.

Aminado si Mrs. Padios na kabado ang kanyang anak sa pagsabak sa SEA Games dahil noong Nobyembre 28 lamang ito inabisuhan ng pencak silat organization bilang kapalit ng isa pang Aklanon pencak silat athlete na si Cherry Mae Regalado na nabigong makalahok sa kompetisyon dahil sa knee injury.

Proud umano siya sa kanyang anak dahil sa edad na 16, ito ang kanyang kauna-unahan pagsabak sa pinakamataas na international competition na naabot nito at nakakuha agad ng medalya.