-- Advertisements --
NAGA CITY – Dead on arrival sa ospital ang isang menor de edad matapos malunod sa ilog sa Barangay Danlagan Reserva Guinayangan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si John Edrei Arroyo, anim na taong gulang.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office na naglalaro ang biktima kasama ang mga kaibigan nito tulay sa pagitan ng Brgy. Sta. Milagrosa, Calauag, Quezon at Brgy. Danlagan Reserva Guinayangan,Quezon.
Itinapon umano ng biktima ang pinaglalaruang bato sa ilog ngunit na-out balance ito hanggang sa nahulog sa tubig.
Naitakbo pa sana sa ospital ang bata ngunit hindi na naisalba pa ang buhay.