-- Advertisements --
Isaang anim na taong gulang na babae ang kumpirmadong nasawi sa naganap na magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ito na si Cherbelchen Imgador ng Brgy. Asinan sa bayan ng Matanao na nasawi matapos na matabunan sa pagguho ng kanilang bahay.
Nasa 37katao na rin ang nasugatan na agad namang itinakbo sa pagamutan.
Mayroong tatlong katao rin ang umano’y na-trap sa loob ng gumuhong South Trade Grocery and Hardware sa bayan ng Padada na agad namang iniligtas.