-- Advertisements --

Nagtala ng record sa kasaysaysan ang anim na taong gulang na batang babae mula sa China.

Si Lian Yunzhi ay nabasag ang women’s world record para sa 3x3x3 Rubik’s Cube ng dalawang beses sa loob ng tatlong araw sa World Cube Association.

Siya lamang ang natatanging babaeng cuber sa mundo na mayroon average ng 4.5 segundo.

Unang nagtala ito ng record sa 4.52 segundo at 4.27segundo.

Nangyari ang pagkuha nito ng record sa kompetisyon na ginanap sa Wuhan at Guangzhou, China.

Ang Sichuan Province native ay nakapag-master ng 1,300 Rubik’s Cube na nagreresolba ng algorithms matapos ang ilang taon na pagsasanay.

Gumugugol ito ng dalawa hanggang tatlong oras kada araw para sa pagresolba ng cube sa loob ng mga nagdaang taon.