-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nahaharap ng kasong parricide ang isang ama matapos napatay nito ang kaniyang 6-anyos na babaeng anak sa Brgy. Dayano, Mainit, Surigao del Norte pasado alas 7:00 sa nakaraang gabi.

Nakilala ang suspek na si Jomel Glyn Doring Bonifacio, 23-anyos, may live-in-partners, isang magsasaka na residente sa nasabing lugar.

Base sa impormasyon galing sa Mainit Municipal Police Station, nagsimula ang kremin nang itinuro sa batang biktima ang kaniyang ama na siyang nagnakaw sa pulseras at pera sa kanilang kapitbahay.

Dahil sa galit, pag-uwi sa bahay ay kinompronta ng suspek ang kaniyang anak na humantong sa pagsaksak nito gamit ang itak.

Nagtamo ng sugat ang bata sa kaniyang tiyan na daling dinala sa Mainit Medicare Community Hospital ngunit dineklarang dead-on-arrival sa attending physician.

Napag-alamang sa ospital rin inaaresto ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Mainit Municipal Police Station para sa tamang disposasyon.