-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kaagad namatay ang isang anim na taong gulang na batang babae matapos mabangga ng kotse sa labas ng St. James Parish Church sa Santiago City, Isabela.

Ang namatay ay si Jelay Mayakyak, residente ng Barangay Patul sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa tiyahin ng biktima, sinabi niya na tapos na ang klase ng bata at umupo siya sa labas ng simbahan dahil nagmamaktol bunsod ng pang-aasar ng kaniyang ate.

Habang nakaupo lamang ay nabangga siya ng sasakyan.

Pinigilan pa ng ate ng biktima ang kotse ngunit nagpatuloy kaya nagulungan pa ang bata na nagresulta ng kaniyang agarang kamatayan.

Sinasabing ang kotseng nakabangga sa biktima ay pag-aari ng anak ng City Treasurer ng Lunsod ng Santiago.