-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Isang hinihinalang kaso ng sakit na meningococcemia ang naitala sa Bayambang, Pangasinan.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, agad na ipinalibing at hindi na pinaglamayan pa ang anim na taong gulang na bata upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Sa kaso ng biktima, umabot na ang impeksyon sa utak nito kaya tuluyang binawian ng buhay.

Kaagad namang pinainom ng prophelaxis ang mga kaanak at iba pang nakasalamuhan ng bata.

Kasabay nito ay nilinaw ng Municipal Health Office ng nasabing bayan na “isolated” lamang ito at wala ng iba pang kaso na sumunod.

Ang meningococcemia ay isang uri ng rare bloodstream infection na dulot ng bakteryang Neisseria meningitidis o meningococcus. Ito ang parehong bacteria na nagdudulot ng sakit na meningitis.

Kahit sino ay maaaring dapuan ng meningococcemia bagama’t mas madalas itong tumatama sa mga bata.

Kung hindi agad maagapan ang meningococcemia, nagdudulot ito ng seryosong banta sa buhay na maaaring mauwi sa mga komplikasyon at pagkamatay.

Ang mga sintomas nito ay maihahalintulad sa sakit na flu o trangkaso at ang tanging kinaibahan lang nito ay ang mga purplish rashes na idinudulot ng virus sa balat.

Ang meningococcemia ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng proper at healthy hygiene.