-- Advertisements --

Mahigpit ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Health (DOH) sa PNP sa laganap na paggawa ng mga pekeng vaccination card.

Kasunod ito sa pagkakaaresto ng anim na katao na nasa likod ng paggawa ng mga pekeng vaccination card sa Recto Avenue, Manila.

Pinangunahan ni Northern Police District ang entrapment operations na nagresulta sa pagkaaresto ng anim na katao.

Sinuyod ng mga otoridad ang nasabing lugar kung saan nakuha ang mga pinekeng mga vaccination card at ilang mga dokumento.

Nagbunsod ang pagkakatuklas ng mga pekeng vaccination card matapos na makipag-ugnayan sa mga kapulisan ang isang negosyante na nais ipavalidate ang vaccination card ng kaniyang empleyado at nakitang peke ang nasabing mga vaccination cards.

Mariing itinanggi naman ng mga naarestong suspek ang nasabing alegasyon at sinabing sila ay napag-utusan lamang.