-- Advertisements --
Nailigtas ng mga kapulisan ang anim na babaeng Vietnamese na ginawang prostitute sa Barangay San Antonio sa lungsod ng Makati.
Naaresto rin sa operasyon ang dalawang babaeng Chinese na nagsisilbi umanong mga bugaw ng mga kababaihan.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guilermo Eleazar na matapos na makakuha sila ng impormasyon ay agad nilang isinagawa ang operasyon.
Napag-alaman din nito na karamihan daw sa mga parokyano ng naturang mga GRO ay mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations (POGO).
Ibinubugaw daw ang mga biktima sa halagang P9,500 at maaaring magrenta ng kuwarto sa condominium sa halagang P4,500.