-- Advertisements --

datacovid

Unti-unting nararamdaman ng Philippine National Police (PNP) ang epekto ng pinaigting na pagbabakuna sa kanilang hanay dahil patuloy sa pagbaba ang naitatalang kaso.

Sa datos ng PNP Health Service ngayong Huwebes, Nobyembre 11, nakapagtala lamang sila ng 6 new cases ng coronavirus na ikalawa sa pinakamababa ngayong linggo.

Umabot naman sa 42,053 ang mga dinapuan ng virus habang 41,684 ang mga gumaling kasunod ng 23 new recoveries.

Walang bagong nasawi kaya nananatili sa 125 ang death toll.

Nasa 244 ang aktibong kaso ng COVID-19 ngayon sa PNP, mababa kung ikukumpara sa 261 kahapon.

datacovid1

Samantala, mahigit isang porsiyento na lamang sa kabuuang 224, 312 police force ang hindi nabakunahan o tumanggi na magpaturok ng Covid-19 vaccine as of November 11,2021.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, sa datos ng PNP Health Service , 2,408 o 1.07% ang ayaw magpabakuna at sa nasabing bilang 859 dito ay mayruong valid reason habang nasa 1,549 naman ang sadyang ayaw talaga magpabakuna.

Gayunpaman, sinabi ni Vera Cruz, patuloy ang ginagawa nilang paghimok sa kanilang mga tauhan na magpa bakuna.

Sa ngayon halos 100% na sa kanilang personnel ang vaccinated kung saan 91.62% dito ang fully vaccinated at nasa 7.30% ang naghihintay ng kanilang second dose.

Dagdag pa ni Lt. Gen. Vera Cruz, umaabot na sa 390,162 ang kabuuang doses ng Covid-19 vaccine ang naadministered sa kanilang hanay.

Inihayag ng Heneral, sa ngayon naghihintay na lamang sila ng direktiba kung ano ang magiging hakbang nila duon sa mga personnel na ayaw magpa bakuna lalo at isinusulong ng ilang opisyal ng pamahalaan ang mandatory vaccination.

” Wait pa kami ng formal directive para sa may mga vaccine hesitancy,” mensahe ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Kapwa suportado nina Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at NTF Chief Implementer at vaccine czar Sec Carlito Galvez na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa Covid-19.