-- Advertisements --

Nasa anim na bagong silang na sanggol sa Delhi, India ang nasawi matapos na masunog ang isang pagamutan.

Mayroong kabuuang 12 mga bagong silang na bata ang nasa loob ng pagamutan na matatagpuan sa Vivek Vihar region kung saan ang iba ay nailigtas.

Nahaharap ngayon sa kaso ang may-ari ng pagamutan na tumakas matapos ang insidente.

Mabilis na kumalat ang nasabing sunog dahil na rin sa mga oxygen na ginagamit sa ospital.

Ikinalungkot naman ni Prime Minister Narendra Modi ang pangyayari at ito ay nagpaabot na ng pakikiramay sa mga kaanak ng biktima.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing insidente.