-- Advertisements --
ROXAS CITY – Anim na mga bahay ang nasira sa Barangay Punta Cogon, Roxas City dahil sa malalaking alon at malakas na hangin na dala ng bagyong Tisoy.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Barangay Treasurer Pat lemer Besa, sinabi nito na nasira ang ibang mga bahay simula pa kahapon dahil sa paghampas ng malalaking alon.
Dahil dito ay nagpasya ang mga apektadong mga pamilya na pansamantalang tumira sa bahay ng kanilang mga kamag-anak.
Samantala patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga evacuees sa mga evacuation centers sa Roxas City, kung saan umaabot na sa 227 na pamilya o 801 na inidbidwal ang pansamantalang lumikas sa kanilang mga tahanan para masigurio ang kanilang kaligtasan.