-- Advertisements --

Natagpuan ang bangkay ng anim na katao sa kuwarto ng isang mamahaling hotel sa Bangkok, Thailand.

Ilan sa mga nasawi ay mga Vietnamese at American na nakitang wala ng buhay isang kuwarto ng five-star Grand Hyatt Erawan Bangkok.

Naniniwala ang mga otoridad na maaring nilason ang mga biktima.

Personal na binisita ni Prime Minister, Srettha Thavisin ang lugar kung saan inatasan ang mga otoridad ng agarang imbestigasyon.

Ayaw nito na ang insidente ay makasira sa imahe at turismo ng bansa.