-- Advertisements --

Nasa anim na batalyon ng sundalo ang mananatili sa Marawi para tumulong sa reconstrruction at rehabilitation sa siyudad. Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa kalihim na ang anim na batalyon ay siyang magbibigay suporta sa mga ahensiya ng pamahalaan na bahagi sa rehabilitation and reconstruction ng Marawi.

Kinumpirma din ni Lorenzana na nagsimula ng ideploy sa mga barangays sa Marawi ang mga Post Conflict Needs Assessment (PCNA) teams na binubuo ng 200 katao mula sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ang mga idineploy na teams ay siyang mag-aassess kung magkano ang damage sa nangyaring labanan.

Ayon sa kalihim aabutin ng isa hanggang dalawang linggo ang gagawing damage assessment sa siyudad.

Ang siyudad ng Marawi ay mayroong 96 barangays.

Sa kabilang dako, patuloy ang ginagawang pag clear sa mga daan at pag alis ng mga debris ng mga tauhan ng AFP engineering brigade at DPWH.

” The rehab has started with the deployment of the PCNA (Post conflict needs assessment) teams composed of about 200 people from various agencies. They will be the one to make assessment of the damages and will estimate the cost of rehab and this will take 1-2 weeks .
Meanwhile our engineering brigade and DPWH are now starting to clear roads and removed debris. There will be 6 batallions to remain for the rehabilitation,” mensahe na ipinadala ni Sec. Lorenzana.

Sa kabilang dako, una ng sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan na sa darating na October 27, 2017 nakatakdang isumite ng assessment teams ang kanilang report mula sa Marawi.