CENTRAL MINDANAO-Sumuko sa lokal na pamahalaan ng Pagalungan Maguindanao at militar ang anim na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng BIFF Karialan faction.
Purmal na tinanggap ang mga rebelde nina 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong at 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Rommel Mundalo.
Sumaksi sa pagsuko ng anim na BIFF sina Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod at Vice-Mayor Datu Abdilah “Abs”Mamasabulod.
Sumuko ang mga rebelde sa ilalim ng balik loob program ng pamahalaan.
Dala ng anim na BIFF sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,mga bala,mga magazine at mga pampasabog.
Nakatanggap rin ng bigas at cash assistance ang mga rebelde mula sa LGU-Pagalungan.
Hinikayat ni BGen Capulong ang ibang BIFF na sumuko at tutulungan sila ng gobyerno na magbagong buhay.