-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sumuko ang anim na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa tropa ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang anim na BIFF ay mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng BIFF Karialan faction.

Sumuko ang mga rebelde kay 90th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Rommel Mundala sa bayan ng Pagalungan Maguindanao.

Pormal namang tinanggap ni Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod, Vice-Mayor Abdila Mamasabulod at 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong ang mga sumukong rebelde.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang M14 rifles,isang Carbine rifle, isang M1 Garand rifle, .50 caliber Barret Sniper rifle, Rocket Propelled Grenade (RPG) mga bala, magazine at mga pampasabog.

Ang anim na BIFF ay tumanggap ng bigas at cash assistance mula sa LGU-Pagalungan.

Pagod na umano sila at nagpasyang sumuko para mamuhay ng mapayapa.


Nagpasalamat si B/Gen Capulong sa mag-amang Mayor at Vice-Mayor Mamasabulod na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang LGU-Pagalungan,90th IB at 602nd Brigade sa matagumpay na pagsuko ng anim na BIFF.

Hinikayat ni BGen Capulong ang ibang BIFF na sumuko na at magbagong buhay kasama ang kanilang mga mahal na pamilya.