CENTRAL MINDANAO-Nais magbagong buhay at mamuhay ng mapayapa ng anim na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido na sumuko ang anim na BIFF sa tropa ng 57th Infantry Battalion Philippine sa North Upi Maguindanao Del Norte.
Dala ng mga rebelde sa pagsuko ang mga matataas na uri ng armas at mga pampasabog.
Tumanggap ng tulong ang anim na BIFF mula sa Bangsamoro Government sa pamamagitan ng proyekto ng Ministry of the Interior and Local Government na Tulong ng Gobyernong Nagmamalasakit o TuGoN.
Dumalo sa programa sina 57th IB Commander Lt Col Guillermo Mabute, Jr., 603rd IB Commander Col Michael Santos, South Upi Mayor Reynalberto Insular, Upi Mayor’s representative Vice Mayor Wilfredo Ibañez, AGILA HAVEN Focal Person Roger Dionisio at iba pa.