-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa mahigit 300 na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa lalalawigan ng Maguindanao.

Bago lang ay sumuko sa lokal na pamahalaan ng Datu Paglas Maguindanao at 40th Infantry Battalion Philippine Army ang anim na mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng BIFF-Karialan faction.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang M16 rifle, isang 5.56 caliber Ultimax light machinegun, isang M14 rifle, dalawang bolt-action na Barret sniper rifles,isang B40 anti-tank rocket,mga bala at magasin.

Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na magtutulungan ang Datu Paglas LGU at ang 40th IB na maibalik sa kani-kanilang mga lugar ang anim na sumukong myembro ng BIFF upang muling makapamuhay ng tahimik.

Muling hinikayat ni MGen Uy ang ibang BIFF,mga armed lawless group na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.