CENTRAL MINDANAO- Umaabot sa anim na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga sumuko at gusto ng magbagong buhay ay mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan.
Isinuko ng mga rebelde ang mga matataas na uri ng armas,mga sangkap sa paggawa ng bomba,mga bala,magazine at Improvised Explosive Device (IED) sa 33rd Infantry Battalion Philippine Army sa Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.
Nagkaloob naman ng tulong na pinansyal,tig-isang sakong bigas at livelihood assistance sa mga rebelde si Shariff Saydona Mustapha Mayor Bai Zandria Ampatuan.
Nagpasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon sa mga lokal opisyal sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng anim na BIFF.