MANILA – Anim na biyahero mula sa bansang India ang nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) pagdating ng Pilipinas.
DOH said 6 of the 110 travelers from India, who arrived in the country before the travel ban, tested positive to COVID-19. Their samples are submitted to Philippine Genome Center for sequencing. | @BomboRadyoNews
— Christian Yosores (@chrisyosores) May 5, 2021
Ito ang inamin ng Department of Health (DOH) sa gitna ng patuloy na pagbabantay ng pamahalaan sa mga kaso ng sinasabing “double mutant” na B.1.617 variant, na unang nadiskubre sa India.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na-detect na positibo sila sa COVID-19 bago ipatupad ang travel ban sa India noong April 30.
Kasali raw ang anim sa 110 travelers na dumating ng bansa.
“It is now submitted to the Philippine Genome Center for whole genome sequencing.”
May anim na iba pang indibidwal naman ang patuloy pang pinaghahanap ng ahensya.
Pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na laging sundin ang minimum public health standards para maiwasan ang posibilidad na mahawa sa COVID-19 virus at mga variants nito.
Ang B.1.617 variant kasi ang isa sa itinuturong dahilan kung bakit labis ang naging paglobo sa coronavirus cases ng India.
Wala pang kaso ng tinaguriang “Indian variant” sa bansa, pero may presensya na ang iba pang “variant of concern.”
Kabilang na ang B.1.1.7, na unang nadiksubre sa United Kingdom; B.1.351, na unang natuklasan sa South Africa; at P.1, na unang nakita sa Brazil.
“Kailangan lang natin paigtingin ang border control na kahit makapasok man lang sila, ang mga variants na ito, handa tayo.”