-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang damage assessment ng Bagumbayan local government unit (LGU) matapos ang nangyaring landslide at flashflood sa naturang bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Mayor Jonalette de Pedro sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, anim na mga barangay ang apektado sa naturang mga kalamidad na kinabibilangan ng Bai Saripinang, Kinayaw, bahagi ng Titulok, Poblacion, Kapaya, Daguma, at bahagi ng Sison at Tuka.

Ayon sa alkalde, patuloy rin ang pagtukoy nila sa kabuuang pinsala sa mga kabahayan at mga pananim matapos rumagasa ang tubig-baha na umabot hanggang sa tuhod ang lalim nito.

Sa ngayon ay madadaanan na ang mga kalsada ngunit kailangan pa rin ng mga heavy equipment upang maalis na ang lupang nakabalakid sa mga motorista.