-- Advertisements --

Brutal na pinaslang ang anim na South African ng hindi pa natutukoy na suspek sa Eastern Cape Province sa South Africa.

Apat sa mga biktima ay iniulat na namatay matapos na sinunog ng buhay sa isang bukid sa Lady Frere village ng lalawigan habang sa kalapit na kagubatan sa Marashu Administrative Area natagpuang nakasabit ang dalawang pang bangkay.

Nagawa mang makatakas ng ikapitong biktima ay binawian din ito sa pagamutan dahil sa natamong malubhang injuries.

Pawang mga kalalakihan na nasa pagitan ng 21 at 27-anyos ang edad ng mga biktima.

Ayon sa tagapagsalita ng South African Police Service (SAPS) na si Brigadier Thembinkosi Kinana, nagbigay ng utos ang Provincial Commissioner ng 72-hour activation plan upang mapabilis ang imbestigasyon at piosibleng pagkakaaresto sa mga suspek.

Dagdag pa ng opisyal na hindi pa tukoy ang motibo sa naturang insidente at nagsumite ng pitong kaso ng Murder para sa imbestigasyon.

Maging si Eastern Cape Provincial Commissioner Lieutenant General Liziwe Ntshinga ay nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya sa nagaganap na ruthless killings sa kaniyang nasasakupan.

Noon ding Pebrero, iniimbestigahan ng otoridad ang posibleng pagkakaroon ng hinihinalang “serial killer” makaraang madiskubre ang apat na kataong brutal na pinagsasaksak sa loob ng kanilang tahanan sa Lady Frere. (with reports from Bombo Everly Rico)