CAGAYAN DE ORO CITY – Lumala na rin ng danyos tungkol sa hagupit ng El Niño phenomenon sa ilang bahagi ng Northern Mindanao region.
Kasunod ito ng kompirmasyon ng Office of the Civil Defense -10 na nasa anim na munisipyo na ng Bukidnon na kinabilangan ng Quezon, Kitaotao, Kibawe, Pangantucan, Dangcagan at Cabanglasan ang nalagay sa state of calamity dahil matinding init ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni OCD 10 spokesperson Gilbert Conde na pangunahing basehan ng local government units sa pagdeklara ng state of calamity ay dahil sa sobrang pagbaba umano ng water level sources sa nabanggit na mga lugar.
Kaugnay nito, agad na kumilos ang kanilang tanggapan at ibang national line agencies upang tugunan ang pangangailangan ng mga residente sa nabanggit na lugar.
Maliban dito, nakapaabot na rin ang Department of Agriculture 10 ng higit P362 million na cash assistance para sa mga apektadong magsasaka at mga mangingisda.
Nagtala na rin ng initial na halos P26 million na halaga ng agri-product damages ang buong rehiyon na kinabilangan ng 3,909 ektaryang sakahan simula ng tumama ang matinding tag-init sa Pilipinas.