CAGAYAN DE ORO CITY – Napasukan na rin ng danyos patungkol sa hagupit ng El Niño phenomenon ang ilang bahagi ng Northern Mindanao region.
Kasunod ito sa kompirmasyon ng Office of the Civil Defense -10 na nasa anim na munisipyo na ng Bukidnon na kinabilangan ng Quezon,Kitaotao,Kibawe,Pangantucan,Dangcagan at Cabanglasan ang nalagay sa state of calamity dahil matinding init ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni OCD 10 spokesperson Gilbert Conde na pangunahing basehan ng local government units pag-deklara ng state of calamity dahil sa sobrang pagbaba umano ng water level sources sa nabanggit na mga lugar.
Kaugnay nito,agad kumilos ang kanilang tanggapan at ibang national line agencies upang akayin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga residente sa nabanggit na lugar.
Maliban rito,nakapaabot na rin ang Department of Agriculture 10 ng higit 362 milyong piso na cash assistance para sa mga apektadong magsasaka at mga mangingisda.
Nagtala na rin ng initial na halos P26 milyon na halaga ng agri-product damages ang buong rehiyon na kinabilangan ng 3,909 ektaryang sakahan simula ng tumama ang matinding tag-init sa Pilipinas.