-- Advertisements --
Inihahanda na ng Pasay City PNP ang kaso laban sa anim na Chinese at dalawang Filipina na naaktuhang umiinom sa pampublikong lugar.
Ayon sa Pasay PNP, malinaw ang ginawang paglabag na ginawa ng inireklamo dahil kahit na tinanggal na ang liquor ban sa lugar ay ipinagbabawal pa rin ang pag-inom ng mga nakakalasing na inumin sa mga pampublikong lugar.
Maging ang kainan kung saan naaresto ang mga inireklamong Chinese nationals ay posibleng patawan rin ng kaukulang kaso.
Mahigpit pa rin ang bilin ng mga kapulisan sa residente na ipinagbabawal pa rin ang pag-inom sa nakakalasing na inumin sa mga pampublikong lugar.