-- Advertisements --

Muling naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Tactical Motorized Unit (TMU) at Criminal Investigation Unit (CIDU) ang anim na Chinese PDL o Persons Deprived of Liberty sa ikinasang tracking operations bandang alas- 9:30 ng gabi nuong Martes June 23, 2020 malapit sa isang creek sa Mapagkumbaba St. corner Fugencio St. Brgy. Cruz na Ligas, Quezon City.


Ito ang kinumpirma ni Quezon City Police District Director (QCPD) Police Brigadier General (PBGEN) Ronnie S Montejo.

Kinilala ni Montejo ang anim na naarestong Chinese na sina Zhang Yi Xin, Ludong Jin, Song Qicheng, Lu Yinliang, Huang Yong Qiao at Chen Bin.

Nadiskubring missing o nawawala ang anim na Chinese PDL ng magsagawa ng headcount sa temporary detention facility sa loob ng Camp Karingal nuong June 22, 2020.

Siniguro naman ni Montejo kahit muling naaresto ang anim na mga Chinese, magpapatuloy pa rin ang kaso laban sa 15 pulis na naka assign sa District Mobile Force Battalion na sila ang naka duty ng mangyari ang insidente.

Sinabi ni Montejo ang anim na Chinese ay kasama sa 51 na may Commitment Order na sa kasong Syndicated Estafa na inilabas ni Judge Jesus P Mupas ng RTC Branch 122 .

Kasong administratibo at criminal ang kahaharapin ng mga ito.

Agad namang dinis-armahan ang mga nasabing pulis dahil sa paglabag sa Article 224 of the Revised Penal Code otherwise known as Evasion through Negligence.

Pinuri ni Montejo ang mga tropa na responsable sa re-capture ng anim na Chinese PDL.
Dahil sa insidente sinibak sa pwesto ni BGen Montejo ang 15 pulis kabilang ang isang Police major.