Humingi na rin nang paumanhin ang Palasyo kaugnay sa aberyang naranasan ng ilang atleta kasabay ng pagdating sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi na sila gagawa ng anumang excuse pero hindi aniya sadya ang anumang inconvenience.
“We can no longer undo what has been done. The Office of the President will not offer any excuses. As host country, we apologize for the unintentional inconvenience suffered by our athlete-guests,” ani Panelo.
Una nang nag-sorry ang mga organizers ng 30th Southeast Asian (SEA) Games matapos makatanggap ng maraming reklamo mula sa football teams ng Myanmar, Timor-Leste, Cambodia at Thailand, bago pa man magsimula ang kompetisyon.
Ayon sa football teams ng Myanmar at Timor-Leste, matagal silang naghintay sa airport bago nasundo at naihatid sa kani-kanilang mga hotels.
Sa maling hotel pa dinala ang koponan ng Timor-Leste, pero ayon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), nagawan naman nila ito ng paraan at inihatid ang mga atleta ng naturang bansa sa kalapit na Hotel Jen.