-- Advertisements --

NAGA CITY – Umabot ng anim na ektarya ng lupa ang napinsala ng naitalang grassfire sa isang pribagong lote sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FCI Emmanuel Ricafort, Fire Marshal ng BFP-Naga, sinabi nito na umabot ng halos apat na oras ang kanilang naging operasyon bago tuluyang naideklarang fireout ang sunog.

Ayon kay Ricafort, dahil sa malakas na hangin kung kaya mabilis na kumalat ang apoy sa lugar.

Nabatid na maliban sa apat na firetrucks, ilang mga pribadong grupo na rin ang tumulong para maapula ang grassfire.

Sa ngayon, bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad, pinaniniwalaan namang ang mga sinunog na basura ang pinagmulan ng naturang grassfire.