Nasa kustodiya na ngayon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim na empleyado ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves.
Ayon sa PNP-CIDG nasa 10 Search Warrants ang ipinatupad dahil sa paglabag sa RA 10591 at R.A.9516 na inilabas ni Hon. Allan Francisco Garciano, Executive Judge ng RTC, Mandaue City,Cebu.
Ang mga indibidwal na nasa kustodiya ng CIDG ay nadatnan habang isinasagawa ang pananalakay sa mga properties ng mambabatas batay sa inilabas na search warrant.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, anim ang nasa pangangalaga ng CIDG habang apat ang at-large sa ngayon kabilang dito ang mambabatas.
Sinabi naman ni CIDG chief legal officer PCol. Thomas Valmonte na ang isa sa mga empleyado ay security guard habang ang iba ay mga close associates ng mambabatas.
Kasalukuyang nasa Camp Crame sa Quezon City ang mga ito.
Magugunita na nuong Biyernes, sinalakay ng mga pulis ang tatlong bahay na pag-aari ni Teves at dalawa dito pag-aari ng kaniyang secretary at close associates, sa Bayawan City at sa bayan ng Basay sa Negros Oriental.
Nakumpiska ng mga pulis ang 0 short firearms, 6 rifles, 19 long magazines at extended magazines, ilang piraso ng ammunition, nasa 100 cartridge cases, rifle scope, tatlong hand grenades gun holsters.
Sa ngayon hindi pa mabatid kung kailan babalik ng bansa si Teves, gayong expired na ang travel clearance nito.
Una ng pinayuhan ni House Speaker Martin Romualdez si Teves na umuwi na ng bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.