-- Advertisements --
duathlon Efraim Iñigo
Duathlon event (FB photo from Efraim Iñigo)

VIGAN CITY – Target umano ng duathlon team ng Pilipinas na sasabak sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na makasungkit ng anim na gintong medalya para makapag-ambag sa hangarin ng Team Philippines na masungkit ang over-all championship title sa nasabing regional biennial meet.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Efraim Iñigo, isa sa mga duathlon athlete ng Team Philippines na taga-Ilocos Sur, nasa 90% na umanong nakahanda ang kanilang grupo para sa kanilang lalahukang relay sa duathlon event ng SEA Games.

Ang endurance event na duathlon ay kinabibilangan ng running at cycling event.

Inaasahan umano ng grupo ni Iñigo na walang mangyaring aberya sa kanilang paglaro kagaya na lamang ng pagkasira ng kanilang gagamiting bisikleta dahil ito umano ang pangunahing problema nila kapag nagkataon.