CENTRAL MINDANAO-Nabuwag ng mga awtoridad ang isang drug den sa Cotabato City.
Nakilala ang mga suspek na sina,Michael, Faisal Mohammad, Silogan Patadon, Benjie Ulobalang, Sherad Abedin at Amer Abedin,mga residente ng Purok Talitay Brgy Rosary Heights 7 Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Portia Manalad na nagsagawa ng Anti-Drug Operation ang pinagsanib na pwersa ng City PNP,PDEA-BARMM at 5th Special Forces Battalion kasama ang Ronda Team ni Mayor Atty Frances Cynthia Guiani Sayadi sa isang drug den.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang mapalibutan ito ng raiding team.
Sinermunan mismo ni Mayor Cynthia Guiani Sayadi ang mga suspek kung bakit nahuhumaling ito sa pinagbabawal na droga,bumatak ng shabu at hindi man lang ni-respeto ang Holy Month of Ramadan.
Dapat anya silang magtrabaho ng matino at magbagong buhay habang hindi pa huli ang lahat.
Kinomperma naman ni Mayor Cyn na isang alyas Sammy ang nakatakas sa operasyon.
Narekober sa mga suspek ang mga pakete ng shabu,drug paraphernalias,P10,000 cash na mark money,mga cellphones at iba pa.
Ang mga suspek ay nakapiit na sa lock-up cell ng PDEA-BARMM at sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.