-- Advertisements --
Aabot sa anim na illegal recruitment agencies ang ipinasara ng Department of Migrant Workers noong nakalipas na taong 2023.
Ayon kay DMW officer-in-charge Atty. Hans Leo Cacdac apat sa mga ito ay ipinasara sa huling apat na buwan ng taong 2023.
Nagpapahiwatig lamang aniya ito ng determinasyon ng pamahalaan na sugpuin ang mga illegal recruitment sa bansa na bumibiktima sa marami sa ating mga kababayan.
Kung maaalala, mula pa sa naging panunungkulan noon ng yumaong dating DMW Secretary Susan “Toots” Ople noong Hulyo 2022 ay nasa kabuuang 14 na recruitment agency na ang ipinasara nang dahil sa mga kinasangkutan nitong mga ilegal na aktibidad.