CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa anim na libong mga tauhan ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army sa kanilang Area of Responsibility (AOR) kasabay ng halalan ngayong araw.
Sakop ng 6th ID ang mga bayan mula sa probinsya ng Cotabato ,Maguindanao, ilang bayan sa Lanao Del Sur, at Sultan Kudarat.
Kinumpirma ni 6th ID Spokesman Major Arvin Encinas na 23 Barangay sa kanilang AOR ang nasa areas of concern dahil sa presensya ng mga armadong grupo kabilang na Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF),mga lokal na terorista at ibang mga Armed Lawless Group.
Nakatutok rin ang 6th ID sa iringan ng mga magkatunggaling kandidato.
Una nang nagdeploy ng walong libong pulis ang PNP ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Magkatuwang na magpapatupad ng seguridad ngayong araw ang Joint Task Force Central , PNP Maguindanao at Comelec.