Inaasahang nasa 6,000 pang dayuhang POGO workers ang aalis ng bansa bago ang deadline sa Disyembre 31.
Kaugnay nito, hinimok ni Immigration Commissioner Dana Sandoval ang mga dayuhang POGO workers na mag-downgrade ng kanilang visa at iginiit na hindi na papalawigin pa ang December 31 deadline para sa total ban ng POGO sa bansa.
Aniya kailangan ang pagtalima sa mga regulasyon kung nais nilang bumalik sa Pilipinas sa hinaharap tulad na lamang kung mayroon silang maiiwang anak at asawa dito sa Pilipinas.
Dapat aniya na umalis ang mga ito ng PH bilang parte ng downgrading ngunit maaari silang bumalik kung mayroon silang lehitimong rason para bumalik sa bansa.
Ibinabala naman ni Sandoval na ang kabiguang sumunod sa regulasyon ay magreresulta sa pag-blacklist sa mga ito.