May kabuuang 6,000 residente ng Surigao del Sur ang tumanggap ng bigas at tulong na salapi ngayong araw, Biyernes sa ilalim ng tatlong magkahiwalay na programa na naglalayong tumulong sa ilang bahagi ng lipunan, kabilang ang mga mahihinang sektor, mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa paaralan, at mga naghihirap na maliliit na negosyante.
Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program, ang Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL) Program, at ang Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP para sa the Youth) Program sa magkakahiwalay na pagkakataon sa probinsya.
Binigyang-diin ni Speaker Martin Romualdez na sinusuklian lamang ng pamahalaan ang publiko sa pamamagitan ng pagbabalik ng tulong.
Tinutulungan ng gobyerno ang mga nangangailangan ng tulong para pagdating ng panahon na sila ay umunlad, magiging produktibong miyembro ang mga ito sa lipunan.
Ang bawat ISIP member youth ng Surigao del Norte ay makakatanggap ng P2,000 bawat isa kada anim na buwan.
Bukod sa pinansiyal na tulong makakatanggap din ang mga ito ng 5 kilong bigas.