-- Advertisements --

NAGA CITY- Nasa anim katao ang naaresto ng mga awtoridad matapos ang isinagawang anti-illegal cockfighting operation sa Barangay Salvacion Que-Gatos, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sinda Galex Fabia, 54-anyos, Job Daza, 53-anyos, Felix Gabarda,49-anyos, Lolito Gamban, 51-anyos, Martin Talisay, 58-anyos at Joan Pesuelo, 49-anyos at pawang residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Nabua Municipal Police Station, nabatid na sa mismong araw ng Biyernes Santo isinagawa ang nasabing operasyon matapos mapag-alaman ang isinasagawang illegal na ‘tupada’ sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, narekober dito ang limang patay na panabong na manok, kagamitan sa pagsabong at bet money na aabot naman sa P4,200.

Samantala, bukod dito, marami ring naiwang pares ng tsinelas sa lugar ng pinagyarihan na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng ibang residenteng nakatakas.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang hinahanda naman ang kasong isasampa laban sa nasabing mga suspek.